๐ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ! Dahil sa mga Baryang Ibinahagi sa Pondo ng Pinoy, Isang Kabataan na naman ang Nakapagtapos ng Kolehiyo!
๐ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ! Dahil sa mga Baryang Ibinahagi sa Pondo ng Pinoy, Isang Kabataan na naman ang Nakapagtapos ng Kolehiyo! Ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang maipapamana natin sa ating mga kabataan, at isa sa mga misyon ng Pondo ng Pinoy ay ang makatulong sa mga kabataang nagnanais makapagtapos sa ilalim ng scholarship program. Dahil dito, ang mga baryang ating pinagsama-sama mula sa mga kabataan na nga babahagi ng kanilang mga barya, mga paaralan, member dioceses, pamilya at mga indibidwal ay nagbigay-daan upang isa sa mga scholars ng Pondo ng Pinoy ang makapagtapos ng kolehiyo. Si Geric B. Erni, isang scholar ng Pondo ng Pinoy mula sa Diocese of Imus, ay kumuha ng kursong Bachelor of Arts Major in Philosophy at nagtapos na may karangalan bilang Summa Cum Laude in oral comprehensive exam in Philosophy. Ang tagumpay na ito ay patunay na ang sama-sama nating pagtutulungan ay nagbibigay ng pag-asa sa ating mga kababayan. Ang mga maliliit na baryang ito, na mula sa puso ng bawat isa, ay nakapagpatapos ng kabataang may pangarap. Sa bawat barya, nararamdaman ang pagmamahal ng Panginoon. Nawa’y magpatuloy ang pagiging busilak ng puso ng ating mga Ka-Pondo upang ang misyong ito ay magpatuloy. Patunay rin ang tagumpay na ito na ang bawat baryang inipon ay bunga ng ating pagkakaisa at malasakit para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!To be part of our mission in helping the marginalized sectors and the poorest of the poor, you can send your donation through the link below. You can message the Pondo ng Pinoy page for more details on how to share your small acts of kindness and to learn more about our mission. ๐๐จ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฅ๐ข๐ง๐ค: https://pondongpinoy.com/index.php/donate/ “๐๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐ค๐๐ก๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ข๐ญ, ๐๐๐ฌ๐ญ๐’๐ญ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ญ.”
