Call Us

(02) 85278113 / 8527 8114

Panalangin ng Pondo ng Pinoy

Panalangin ng Pondo ng Pinoy Panginoong Hesus, itinuro mo sa amin na ang Kaharian ng Diyos ay tulad ng binhi ng mustasa, ang pinakamaliit sa lahat ng mga binhi. Ngunit kapag lumaki, ito ay nagiging mataas at malaking puno kung saan nananahan ang mga ibon. Panginoon, sa diwang ito isinasabuhay ng Pondo ng Pinoy and kanyang pangarap. Mga munting kabutihan na palagiang ginagawa ang nagsasaganap ng iyong Kaharian dito at ngayon Sa pamamagitan ng mga munting gawaing ito, inaabot namin ang mga maliliit, naliligaw, at isinasantabi sa aming mga komunidad. Pinapangarap naming iangat ang buhay ng mga mahihirap, lumikha ng mga pagkakataon na makapagbabago ng kanilang buhay, at palayain sila sa pagdurusa. Umaasa kaming maging instrument ng iyong pagibig sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanila. Sa gayon, itinuturo ng Pondo ng Pinoy na ang pagmamalasakit ay nagsisimula sa mga maliliit na kabutihan na palagiang ginagawa upang maging mabisa at totoo. Sa kabilang banda, itinuturo din ng diwang ito ng Pondo ng Pinoy na ang mga munting mabubuting gawain ay nakakapagpanibago ng buhay hindi lamang ng mga nakatatanggap kung hindi maging sa mga nagbibigay. Sa pamamagitan ng palagiang pagbibigay, nahuhubog ang aming pagkatao ayon sa iyong kagustuhan, na namumuhay sa pagmamalasakit at pagibig. Sa palagiang pagbabahagi, natututo kaming magbigay-puwang sa aming puso para sa iba. Sa pagbabahagi kahit ng “mumo” araw-araw, kami ay lumalago at lumalakas sa pagmamalasakit. Kaya sa Pondo ng Pinoy, hindi lamang kami nagbibigay, ngunit sa pagbabahagi, kami rin ay nakatatanggap. Panginoon, tulungan mo nawa kaming nagsusumikap isabuhay ang diwa ng Pondo ng Pinoy, upang maisakatuparan ang iyong Kaharian dito sa lupa at matamo ang kaganapan ng buhay dito at ngayon. Amen.

Panalangin ng Pondo ng Pinoy Read More »

Pondo ng Pinoy Prayer

Pondo ng Pinoy Prayer Lord Jesus, you taught us that the Kingdom of God is like the mustard seed, the smallest of all seeds. Yet when grown, it becomes a big tree where birds play and make their nests. Lord, in this spirit, Pondo ng Pinoy lives its vision. Little acts of kindness done with constancy realize your Kingdom here and now. Through these little acts we reach out to the little ones, the least, the lost and the last in our community. We hope to uplift the lives of the poor, create opportunities that can change their lives, and free them from misery. We hope to be an instrument of your love by caring for them. Thus, Pondo ng Pinoy teaches us that charity is an act that starts small and done with consistency in order to be effective and true. On the other hand, the same spirit of Pondo ng Pinoy teaches us that these little acts of kindness are life-changing not only to the receiver but also to the giver. The constancy of sharing molds our being into a person that you want us to be, living in charity and love. By giving with regularity the giver learns to empty himself/herself and creates a space for others in his/her heart consciously. By sharing even just a “crumb” everyday, the giver grows healthier and stronger in charity. Thus, in Pondo ng Pinoy, we do not only share but by giving we also receive. Lord, help us, as we try to live the spirit of Pondo ng Pinoy, to realize your Kingdom here on earth and attain fullness of life in the here and now. Amen.

Pondo ng Pinoy Prayer Read More »

Quick Links

About Us

Programs

Downloads

Updates

Contact

Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc.

OFFICE HOURS

Scroll to Top