Fast. Pray. Give.
Panahon na ng kwaresma at ang lahat ay inaanyayahang makilahok sa FAST2FEED lenten fund raising campaign na sumusuporta sa ating Hapag-Asa Integrated Feeding Program. Katulad ng sa Diocese of Antipolo, napakaraming mga kabataan ang patuloy na napapakain ng ating pagtitipid at pag-aayuno sa loob lamang ng apatnapung araw. Tignan ang homily reflection ni Rev. Fr. Gerardo Sanchez kung ano nga ba ang mensahe ng ebanghelyo sa Linggong ito at ang kahalagahan nito sa ating Hapag-Asa Integrated Feeding Program.
Panginoong Diyos,Puspusin mo nawa kami ng Banal na Espiritu sa pagninilay sa Iyong paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay, sa pagdarasal at pag-aayuno ngayong panahon ng kwaresma, at sa pagtulong sa mga mahihirap lalo na sa mga kabataang nagugutom. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus. Amen.