Isa sa mga tulong na ibinabahagi ng Pondo ng Pinoy sa mga Ka-Pondo ay ang Calamity Assistance. Ito ay munting pagtulong sa mga nasunugan, mga nasalanta ng bagyo, lindol, at iba pang sakuna. Sa patuloy na malasakit at pakikipagtulungan ng Diocese of San Pablo, ang Pondo ng Pinoy ay nag-abot ng ayuda sa 66 na pamilya na biktima ng sunog sa Pansol, Calamba, Laguna. Bagamat maliit man ang tulong na naipapaabot, ito ay nagsisilbing panimula para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan, upang sila’y makabangon at makapagsimula ng bagong yugto ng kanilang buhay.
Ang bawat munting ambag, mga barya o “crumbs” na ib ibinabahagi at iniipon sa Pondo ng Pinoy, ay nagiging sagisag ng pag-asa at pagkalinga sa kapwa. Pinapaalala nito sa bawat isa na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, kaya nating magbigay ng liwanag sa buhay ng mga kapatid nating nangangailangan. Sa ganitong mga pagkakataon, pinapatunayan ng Pondo ng Pinoy na hindi kailangan ng malaki para makatulongโang maliit, kapag pinagsama-sama, ay kayang maghatid ng malaking pagbabago.
๐ธ Fr. Noel
“๐๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐ค๐๐ก๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ข๐ญ, ๐๐๐ฌ๐ญ๐’๐ญ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ญ.”