Ang Pondo ng Pinoy Community Foundation, Incorporated (PnPCFI) ay magkakaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) signing kasama ang NBM Online TV sa darating na Agosto 23, 2019.
Ito ay pasisinayaan ng National Management Office sa pamumuno ni Ambasador Henrietta T. De Villa, Chairperson ng Promotions Sub-Committee; Rev. Fr. Benjie A. Francisco, Chairperson ng Programs Unit; Rev. Fr. Angelito Caliwag, Executive Director; at ni Mr. Raffy Rico, CEO ng NBM Online TV.
Ang MOU signing na bahagi ng selebrasyon ng ika-15 taong anibersaryo ng Pondo ng Pinoy ay naglalayong paigtingin pa ang pagpapalaganap ng ebangelisasyon patungkol sa regular na paggawa ng munting kabutihan o ang mas pamilyar na “anong mang maliit, basta’t malimit ay patungong langit.”
Ang Pondo ng Pinoy RadyoTV ay matutunghayan tuwing Sabado sa NBM Online TV at mapapanuod rin sa lahat ng social media accounts ng PnPCFI tulad ng YouTube at Facebook (https://www.facebook.com/pnpcfi/).
Ang PnPCFI ay itinatag noong 2004 ni Most Rev. Gaudencio B. Cardinal Rosales, D.D. nang siya ay Arsobispo ng Maynila. Sa mumunting gawaing mabuti at halagang beyte-singko na iniipon araw-araw ng mga kabataan, parokyano, at ibang indibidwal, nakakatulong ang PnPCFI sa mga proyektong scholarship, livelihood, housing, pangkalusugan, at relief aid sa buong Pilipinas. (PnPCFI News)
Contact person:
Bebot Sabangan
Program Assistant for Promotions
(02) 527-8113 / 0917-5715988