PONDO NG PINOY FAST2FEED CAMPAIGN VIDEO 2023

Home - Blog Detail

FAST2FEED A HUNGRY CHILD

Marami sa mga kabataang Pilipino ang dumadanas ng pagkagutom at kakulangan sa pagkaing kailangan para sa kanilang mabuting kalusugan dahil sa kahirapan ng buhay at iba pang kadahilanan. Isa sa mga resulta nito ay ang pagiging malnourishment na maaring magdulot sa mga bata ng pagka bansot, pinsala sa utak, hindi magandang pag-ganap sa eskwelahan, at maging sa kanilang komunidad sa hinaharap.

Ang Hapag-Asa ay isang programa na naglalayon na sugpuin ang pagkagutom at malnutrisyon ng kabataang Pilipino. Sinusuportahan ito ng Pondo ng Pinoy mula 2005.

Sa pamamagitan ng FAST2FEED Campaign na isinasagawa tuwing Lent Season o panahon ng kwaresma, ay maari tayong makapag bigay ng tulong upang matulungan ang mga kabataan na dumadanas ng pagkagutom at malnutrisyon. Upang makatulong, ang 15 pesos kung iyong iipunin sa loob ng 120 araw at ibabahagi sa Pondo ng Pinoy, ay maari ng makatulong upang mabigyan ng mainit at may sapat na nutrisyon na pagkain ang isang batang nagugutom sa loob ng anim na buwan.

At dahil sa iyong tulong ay maaring makakamit ng isang bata ang hustong nutrisyon na kailangan ng kanyang katawan at utak na makakatulong sa kanilang pag-ganap sa hinaharap.Anuman ang halaga ang iyong maipon ay maaring ibahagi sa Pondo ng Pinoy Community Foundation, Inc.

Kaya tulong-tulong tayo sa pagkamit ng isang malusog at magandang kinabusan para sa ating mga kabataan. Makiisa at ating suportahan ang layunin ng simbahan na wakasan ang pagkagutom at malnutrisyon ng mga batang Pilipino.

==========================

Mga Ka-Pondo! Click the link to share your Love.

https://pondongpinoy.com/…/02/12/fast2feed-campaign-2023/

==========================

#Fast2FeedCampaign#Fast2Feed2023#PondongPinoy#fast2feedthehungrychallenge

โ€œAnumang magaling, kahit maliit, bastaโ€™t malimit ay patungong langit.”

CONTACT US

Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc.

Quick Links

About Us

Programs

Downloads

Updates

Contact

Useful Links

Privacy Policy

Terms and Conditions

Disclaimer

Support

FAQ

OFFICE HOURS