Panalangin ng Pondo ng Pinoy
Panginoong Hesus, itinuro mo sa amin na ang Kaharian ng Diyos ay tulad ng binhi ng mustasa, ang pinakamaliit sa lahat ng mga binhi. Ngunit kapag lumaki, ito ay nagiging mataas at malaking puno kung saan nananahan ang mga ibon.
Panginoon, sa diwang ito isinasabuhay ng Pondo ng Pinoy and kanyang pangarap. Mga munting kabutihan na palagiang ginagawa ang nagsasaganap ng iyong Kaharian dito at ngayon
Sa pamamagitan ng mga munting gawaing ito, inaabot namin ang mga maliliit, naliligaw, at isinasantabi sa aming mga komunidad.
Pinapangarap naming iangat ang buhay ng mga mahihirap, lumikha ng mga pagkakataon na makapagbabago ng kanilang buhay, at palayain sila sa pagdurusa.
Umaasa kaming maging instrument ng iyong pagibig sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanila.
Sa gayon, itinuturo ng Pondo ng Pinoy na ang pagmamalasakit ay nagsisimula sa mga maliliit na kabutihan na palagiang ginagawa upang maging mabisa at totoo.
Sa kabilang banda, itinuturo din ng diwang ito ng Pondo ng Pinoy na ang mga munting mabubuting gawain ay nakakapagpanibago ng buhay hindi lamang ng mga nakatatanggap kung hindi maging sa mga nagbibigay.
Sa pamamagitan ng palagiang pagbibigay, nahuhubog ang aming pagkatao ayon sa iyong kagustuhan, na namumuhay sa pagmamalasakit at pagibig.
Sa palagiang pagbabahagi, natututo kaming magbigay-puwang sa aming puso para sa iba.
Sa pagbabahagi kahit ng “mumo” araw-araw, kami ay lumalago at lumalakas sa pagmamalasakit.
Kaya sa Pondo ng Pinoy, hindi lamang kami nagbibigay, ngunit sa pagbabahagi, kami rin ay nakatatanggap.
Panginoon, tulungan mo nawa kaming nagsusumikap isabuhay ang diwa ng Pondo ng Pinoy, upang maisakatuparan ang iyong Kaharian dito sa lupa at matamo ang kaganapan ng buhay dito at ngayon.
Amen.