By: Fr. Angelito L. Caliwag
Panginoong Hesus, itinuro Mo sa amin na ang Kaharian ng Diyos ay parang butil ng mustasa, ang pinakamaliit sa lahat ng mga butil. Ngunit kapag lumaki, ito ay nagiging mataas at malaking puno kung saan tumitira ang mga ibon. Panginoon, katulad ng butil ng mustasa, ninanais ng Pondo ng Pinoy na sa mga munting kabutihan na palagiang ginagawa, makatutulong kami sa aming kapwa lalo na sa mga mahihirap. Itinuturo din ng Pondo ng Pinoy na sa patuloy na paggawa ng mga munting kabutihan, hindi lamang ang nakatatanggap ang natutulungan kung hindi maging kaming nagbibigay. Sa palagiang paggawa ng kabutihan, kami ay natututong maging mas mapagmalasakit at mapagmahal sa kapwa. Panginoon, tulungan Mo nawa kaming nagsusumikap isabuhay ang aral ng Pondo ng Pinoy upang makamit ang buhay na masaya at mapayapa para sa lahat ng aming kapwa. Amen.