Isa sa mga pangunahing pinupuntahan ng mga barya na ibinabahagi sa Pondo ng Pinoy ay ang scholarship program. Sa programang ito, tinutulungan ang mga kabataang nagnanais makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang kanilang mga pangarap. Mula sa mga barya o sentimong binabahagi ng ating mga Ka-Pondo mula sa ibat-ibang Diyosesis sa bansa, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na makatapos ng pag-aaral, magbalik-loob sa kanilang komunidad, at maging susunod na tagapagbigay sa Pondo ng Pinoy. Sa ganitong paraan, patuloy ang misyon ng Pondo ng Pinoy na makatulong sa indibidwal at sa buong komunidad.
Isang malaking karangalan at pagmamalaki na ang ating sama-samang pagsusumikap ang mga baryang inyong iniaambag sa Pondo ng Pinoy ay nagbunga na. Nitong nakaraang Marso, sa Diyosesis ng Cavite, nakapagtapos si Mr. Jomari Ubas, isa sa mga Pondo ng Pinoy scholar, nakapagtapos sa kursong AB in Philosophy at nakapagkamit ng mataas na karangalan bilang Magna Cum Laude.
Patunay ito na ang mga mabubuting gawa, mga maliit na barya at kabutihan sa kapwa ay maaaring maghatid ng malaking epekto at makatulong na maabot ang pangarap ng isang tao.
Nawa’y patuloy tayong magbahagi ng ating mga barya para sa ikabubuti ng ating komunidad.
𝐁𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍!
To be part of our mission in helping the marginalized sectors and the poorest of the poor, you can send your donation through the link below. You can message the Pondo ng Pinoy page for more details on how to share your small acts of kindness and to learn more about our mission.
𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐥𝐢𝐧𝐤: https://pondongpinoy.com/index.php/donate/
𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐨𝐮𝐫 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥𝐬:
Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. Facebook Page: https://www.facebook.com/pnpcfiInstagram: https://www.instagram.com/pnpcfi_nmo/Youtube Channel: @pondongpinoyWebsite: https://pondongpinoy.com/
“𝐀𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐢𝐭, 𝐛𝐚𝐬𝐭𝐚’𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭.”