𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮! Dahil sa mga Baryang Ibinahagi sa Pondo ng Pinoy, Isang Kabataan na naman ang Nakapagtapos ng Kolehiyo!

Home - Blog Detail

𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮! Dahil sa mga Baryang Ibinahagi sa Pondo ng Pinoy, Isang Kabataan na naman ang Nakapagtapos ng Kolehiyo!


Ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang maipapamana natin sa ating mga kabataan, at isa sa mga misyon ng Pondo ng Pinoy ay ang makatulong sa mga kabataang nagnanais makapagtapos sa ilalim ng scholarship program. Dahil dito, ang mga baryang ating pinagsama-sama mula sa mga kabataan na nga babahagi ng kanilang mga barya, mga paaralan, member dioceses, pamilya at mga indibidwal ay nagbigay-daan upang isa sa mga scholars ng Pondo ng Pinoy ang makapagtapos ng kolehiyo.


Si Geric B. Erni, isang scholar ng Pondo ng Pinoy mula sa Diocese of Imus, ay kumuha ng kursong Bachelor of Arts Major in Philosophy at nagtapos na may karangalan bilang Summa Cum Laude in oral comprehensive exam in Philosophy.


Ang tagumpay na ito ay patunay na ang sama-sama nating pagtutulungan ay nagbibigay ng pag-asa sa ating mga kababayan. Ang mga maliliit na baryang ito, na mula sa puso ng bawat isa, ay nakapagpatapos ng kabataang may pangarap. Sa bawat barya, nararamdaman ang pagmamahal ng Panginoon.


Nawa’y magpatuloy ang pagiging busilak ng puso ng ating mga Ka-Pondo upang ang misyong ito ay magpatuloy. Patunay rin ang tagumpay na ito na ang bawat baryang inipon ay bunga ng ating pagkakaisa at malasakit para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.


𝐁𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍!
To be part of our mission in helping the marginalized sectors and the poorest of the poor, you can send your donation through the link below. You can message the Pondo ng Pinoy page for more details on how to share your small acts of kindness and to learn more about our mission.

𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐥𝐢𝐧𝐤: https://pondongpinoy.com/index.php/donate/


“𝐀𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐢𝐭, 𝐛𝐚𝐬𝐭𝐚’𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭.”

Recent Posts

  • All Post
  • Activities
  • Events
  • Front Slider
  • Multimedia
  • News & Updates
  • Uncategorized
    •   Back
    • Bible Verses and Quotable Quotes
    •   Back
    • Photo Gallery
    • Videos
    • Bible Verses and Quotable Quotes
    •   Back
    • Pondo ng Pinoy Sunday

Emergency Call

Lorem Ipsum is simply dumy text of the printing typesetting industry beautiful worldlorem ipsum.

Categories

CONTACT US

Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc.

Quick Links

About Us

Programs

Downloads

Updates

Contact

Useful Links

Privacy Policy

Terms and Conditions

Disclaimer

Support

FAQ

OFFICE HOURS